Panginoong Diyos, ako po ay lumalapit sa Iyo ngayon sapagkat ako'y bigo at nasasaktan. Ang tingin ko po ngayon sa aking sarili ay mababa at mahina dahil hindi ko po nakamit aking minimithi. Tulungan Mo po sana ako, Panginoon ko, na maunawaan ang Iyong mga plano para sa aking buhay. Palakasin mo po sana ako at turuan na magpursigi sa buhay na ito upang sumapit ako, sa tulong Mo, sa katuparan ng aking mga pangarap. Hinihiling ko po ito sa pamamagitan ng Iyong Anak, Si Hesukristong Panginoon namin at Tagapagligtas. Amen.
No comments:
Post a Comment